Monday, November 19, 2012

Isang Awit ng Protesta

OPLAN

Oplan, Oplan Bayanihan
hindi namin kailangan
ito'y isang patakaran
laban sa mamamayan

Paglabag sa karapatan
mamamayan pinahihirapan
anyo mo'y nahuhubaran
kawangis din ng nakaraang oplan

Huwag tayong palilinlang
Sa repormang pamamaraan
Susupilin ang mamamayan
ng pinalawig na nakaraang oplan

Engrandeng operasyon
sa kanayunan at kalunsuran
upang panatilihin
kasalukuyan patakaran

Gagamitin lahat ng paraan
upang magapi ang mamamayan
kanilang nasimulan
noon pa man

Habang tumitindi ang pagsasamantala
lalakas ang pag-aalsa
ng mamamayang inalipusta
para sa demokrasya

Tiyak na mabibigo
ang oplan na ito
lalaban tayo
di tayo susuko

Kaya't mamamayan
sabay-sabay na tanganan
ilantad sa taumbayan
pakana ng pamahalaan.

(Pakinggan)

No comments:

Post a Comment