KARAPATAN-SORSOGON
Santos St., Sorsogon City
Pahayag Sa Midya
Disyembre 10, 2014
Isang insidente ng pagdukot ang naganap ilang araw bago lumagpak sa kalupaan ng Pilipinas ang Bagyong Ruby, at habang nasa kasagsagan ang paghahanda ng buong bansa sa inaasahang pananalasa nito.
Si Samuel Dollesin, 45 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Lapinig, Gubat ay dinukot ng mga unipormado at armadong kalalakihan sa Sitio Palukso ng naturang barangay bandang alas sais y media ng hapon (6:30 NH) noong Disyembre 4. Pagkaraan ng ilang araw, noong Linggo, Disyembre 7, natagpuan ang walang buhay na katawan ni Samuel sa isang mababaw na hukay sa Brgy. Sugod, Distrito ng Bacon, Lunsod ng Sorsogon.
Ayon sa mga nakasaksi, ang mga armadong kalalakihan ay mga elemento ng Philippine Army. Kilala nila ang ilan sa mga ito sapagkat ang mga ito ay kabilang sa special operations team (SOT) ng Philippine Army na nagkampo sa kanilang barangay noong panahon ng administrasyong Macapagal-Arroyo. Gayunpaman, ang mga saksi ay natatakot lumantad dahil sa takot nilang sapitin din ang kapalarang sinapit ni Samuel.
Ang kapalarang sinapit ni Samuel ay pangkaraniwang karanasan ng mga mamamayang Pilipino sa iba’t ibang dako ng kapuluan. Ang karanasang ito ay pangkaraniwan sa isang lipunang militarisado na ang nagingibabaw na kalakaran ay ang paghaharing militar upang ipagtanggol at pamayanihin ang anti-demokratiko at anti-mamamayang interes ng mga dayuhang monopolyo at kasabwat nitong mga komprador at asendero.
Oplan Bayanihan ang tawag nila sa militarisasyon ng kanayunan at kalunsuran na bumibiktima sa libu-libong mamamayang Pilipino. 215 na ang bilang ng biktima ng EJK, at 213 ang nabigong EJK, sa ilalim ng Oplan Bayanihan ni Noynoy Aquino. Bukod pa ito sa libu-libong mamamayang biktima ng sapilitang pagpapalikas dahil sa walang pakundangang pambobomba at walang habas na pamamaril sa operasyong militar, mapaminsalang pagmimina at demolisyon ng mga maralitang komunidad sa kalunsuran. Samantala ang mga biktima ng kalamidad na tulad ng Sendong, Pablo, Yolanda, Glenda at Ruby ay patuloy na pinababayaan ng rehimeng Aquino. Sa kabilang dako, hindi ito magkandaugaga sa pag-asikaso sa mga dadalong opisyal ng APEC Informal Senior Officers Meeting (AISOM).
Mas matindi at mabagsik ang kalamidad ng Oplan Bayanihan kaysa kalamidad na dulot ng kalikasan. Ang mga bagyo, lindol at pagputok ng bulkan ay nagpapahinga sa pamiminsala sa mamamayan subalit ang Oplan Bayanihan ay araw-araw na pumipinsala sa buhay at ari-arian ng mga mamamayan.

No comments:
Post a Comment