Friday, March 22, 2013

URBAN MILITARIZATION SA LEGAZPI, MAPANLINLANG! ILANTAD, TUTULAN!


       March 22, 2013                                                                                        Reference: Vince Casilihan 
       Press Statement
                                                                                                                  

URBAN MILITARIZATION SA LEGAZPI, MAPANLINLANG! ILANTAD, TUTULAN!

Ang urban militarization sa porma ng peace and development ng 901st Infantry Brigade, PA sa pangunguna ng commanding  officer nito na si Col. Ricardo R. Visaya ay bahagi ng mapanlinang na Oplan Bayanihan  (OPB) ng rehimeng US-Aquino. Malinaw na ang urban militarization na ito sa mga  barangay ng Arimbay, Rawis, Bigaa, Pawa, Victory  Village,  Tamaoyan, Tula-Tula, Lapu-lapu ay nakatuon pangunahin sa mga militante at progresibong organisasyong masa at progresibong grupong Party List  sapagkat alam ng publiko na wala namang presensya ng mga rebelde sa mga lugar na ito.

            Si Col. Ricardo R. Visaya ay masugid na tagapagpatupad ng tigmak-sa-dugong Oplan Bantay Laya (OBL) ng rehimeng Gloria Macapagal-Arroyo. Eksperto siya sa vilification campaigns  at harassment laban sa mga progresibo’t  militanteng organisasyong masa at Party List groups.

            Noong kasagsagan ng pananalasa ng Oplan Bantay Laya, kumander  siya ng 69th IB  PA  sa ilalim ng komand ng berdugong retiradong heneral na si  Jovito Palparan.  Dumanas ng harassments at  vilification campaigns ang mga progressive and militant organizations sa Central Luzon sa kamay ng dalawang Army Officers na ito.


            Noong si Col. Visaya ang kumander ng Civil Military Operations (CMO) Battalion sa National Capital Region (NCR) (February-September 2007) na nagpatupad ng peace and development operations sa mga urban area sa NCR laluna sa panahong malapit na ang 2007 National Elections, mahigpit siyang  binatikos ng  Simbahan, civil society  at  Commission on Human Rights (CHR) dahil sa naiulat na intimidating effect, vilifications and harassment  sa mga progressive organizations at grupong party lists. Pinanawagan ang  agarang pull-out  sa presensya ng militar sa mga urban area.  Kaya noong Mayo 9, 2007, inalis sa mga naturang lugar ang CMO Battalion.

            Naiulat ng Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) ang harassment at vilifications na ginawa ng 27th IBPA sa Polomolok, South Cotabato nang si Col. Visaya ang kumander ng battalion na ito  laban sa mga kasapi ng AK-NAFLU-KMU at mga simpatisador nito sa pamayanan sa panahon bago ang union elections sa Dole Philippines noong Pebrero 22, 2011.

            Noong 2010 sa ilalim ng OBL II isinagawa ang urban militarization sa ilang barangay sa Legazpi City na nagresulta sa human rights violations. Malaganap na vilification campaigns ng AFP din ang isinagawa laban  sa mga progressive party list groups noong 2010 National and Local Elections.  

            Ang kasalukuyang urban militarization na ginaganap sa 8 barangay sa Legazpi City  sa balangkas ng Oplan Bayanihan sa pakunwaring peace and development sa pangangasiwa ni Col. Ricardo R. Visaya ay itinataon din sa papalapit na 2013 Elections. Gagamitin niya dito ang kanyang expertise.  Kagaya noong una itong isagawa sa balangkas ng Oplan Bantay Laya II, target din nito ang mga militante at progresibong  organisasyong masa at progressive party list groups sa mga kampanyang vilifications   at harassment. 

            At kagaya ng mga isinasagawang militarisasyon sa kanayunan, ginagamit ang mga pampublikong lugar gaya ng barangay hall bilang pansamantalang kampo militar, na tuwirang pagbalewala sa Commission on Human Rights (CHR)-Bicol Advisory na nagbabawal gamitin ng military ang mga pampublikong lugar gaya ng barangay hall, Day Care Centers, chapels, atbpa., maging ang pagtatayo ng pansamantalang kampo malapit sa kabahayan. Human rights violations ang ibubunga nito.

            Ilantad, tutulan, at labanan ang Oplan Bayanihan!  Agarang i-pull out ang presensya ng militar sa  walong barangay sa Legazpi City!  

No comments:

Post a Comment